Saturday, January 23, 2010

Signs

23 January 2010
5:47 PM

I was just plainly singing "Let Me Be The One" by Jimmy Bondoc. Along the way to Ever, I was thinking if something was going to happen before I go home. Something like being robbed? 'Cause I brought all my gadgets with me except laptop. Yeah, I know, it's kinda luring. That's exactly the point! To lure someone and strike a conversation. LOL. Anyway, I was quite shocked that things will be way too better than what I was expecting.

Just before reaching the bridge of the song as I was left alone in that nosiy videoke area at Tom's World, i heard someone clapping from behind. It was him! That guy I met about a week ago in the same place.

We shared sometime chatting the first time we met but failed to get any contact info about each other so it was really a surprise to see each other again. It was really a truly exciting experience. And found myself regretting afterwards that I failed to ask for his number.

Now, we were close again. He sang several songs. So am I. Finally got some clicks to exchange numbers and drink from each other's cup. LOL. Not that you're thinking! He offered me water so I just acknowledged the offer by taking it. :)) I really did not expect that I'll meet him ever again. I must admit I even did some bullshit of searching him on Friendster and Facebook with just using his first name. Of course, I failed miserably. But I told myself, if we're bound to really know each other better, we'll meet again.

Eventually, we were both comfortable with each other. He told me that he didn't know I was Pinoy 'cause I looked like a Korean to him (idk?). He said he even hesitated approaching me this second time 'cause he's not quite sure if it was me (I was wearing glasses earlier). Anyway, it all ended up having dinner at SM. Right. Shared stories. Enjoyed each other's company. I just truly hope that this could last. If not the way I want to, into something happy at least.

I now want to believe in signs.

Thursday, December 17, 2009

tipaklong

bigla kong naalala ang g-blogs.

noon, kahit wala kang load, pwede ka dumaldal. ibuhos ang emosyon sa pagsulat na walang aawat. basta may cellphone kang nakakapag GPRS, kaya mong sagarin ang oras ng gabi hanggang ikaw mismo ang magsawa sa pagbabasa ng litanya ng iba.

ngayon, kasabay ng mga nagbagong presyo ng bawat produkto, kumaunti na rin ang mga bagay na nakakapagpalumbag-loob nang libre. ultimo walang-lamang kaha ng sigarilyo, binibili na. dito na lang sa opisina ako nakakapg kape nang libre at nakakapagblog. syempre di ko na kailangang sabihing patago pa rin ang ilang bagay-bagay. parang ilan sa hinaing ng karamihan sa atin.

gusto natin ng pagbabago pero takot tayo rito mismo. ayaw natin ng kasalukuyang sitwasyon pero nananatili tayong nakatali sa kadenang bulak. totoong nakakabagabag lumabas at sumali sa ilang mukhang walang pakialam sa bukas, pero sa katotohanan, mas mulat sila sa bulok na kasalukuyan. parang sugal lang ang lahat, no pain, no gain. parang pag-ibig. putang inang pag-ibig.

tama. sa g-blogs ko pala yun unang nakita. pag-ibig at pag-asa. pagluha at kawalan ng paniniwala.

Tuesday, December 8, 2009

kalat

ang weird talaga.

kapag naglalakad ako sa kalye habang papasok sa eskuwela, trabaho, o pauwi ng probinsya, nag-uunahan ang mga ideya sa utak ko... laging sinasabi, isulat mo ako. pero sa tuwing kaharap ko na ang laptop ko, bigla na lang nagiging blangko. nawawala sa hinuha, lumilipad sa kawalan. halos kapareho rin kung paano ako nabubura sa alaala ng iba kong mga nakilala at kung minsan, sa akin, ganun din sila.

gusto kong isulat na masakit ngayon ang ilong ko dahil sa panit dala ng pagsinga at pagpunas ng sipon pero alam ko, wala namang kwentang ikuwento pa yun.

sa araw-araw, palagi kong naiisip, tuwing tanghali, bakit kaya ako mag-isa? o pakiramdam ko lang ba yun? masyado lang ba ako nag-iisip -- na sa katotohanan ay wala namang pinatutunguhan?

ang weird talaga.

Friday, November 20, 2009

talk about blog

yehey may blog ako ulit. ewan ko nga lang kung anong ipaglalagay ko rito sa mga sunod na araw o linggo o buwan. o kung masusundan pa tong entry na to. yes, i am one helluva random and moody blogger. ako ang tipong ma-i-incomplete sa thesis dahil sa ka-OC-han o simpleng katamaran. you bet. pero problema mo na kung di ka magtitiwala sa akin. hawak ko ang susi. maniwala ka. kapain mo pa. hahahaha

ayun so ayaw ko muna magpakaloko sa ngayon. yep, seryoso ako niyan. see you around.