Tuesday, December 8, 2009

kalat

ang weird talaga.

kapag naglalakad ako sa kalye habang papasok sa eskuwela, trabaho, o pauwi ng probinsya, nag-uunahan ang mga ideya sa utak ko... laging sinasabi, isulat mo ako. pero sa tuwing kaharap ko na ang laptop ko, bigla na lang nagiging blangko. nawawala sa hinuha, lumilipad sa kawalan. halos kapareho rin kung paano ako nabubura sa alaala ng iba kong mga nakilala at kung minsan, sa akin, ganun din sila.

gusto kong isulat na masakit ngayon ang ilong ko dahil sa panit dala ng pagsinga at pagpunas ng sipon pero alam ko, wala namang kwentang ikuwento pa yun.

sa araw-araw, palagi kong naiisip, tuwing tanghali, bakit kaya ako mag-isa? o pakiramdam ko lang ba yun? masyado lang ba ako nag-iisip -- na sa katotohanan ay wala namang pinatutunguhan?

ang weird talaga.

2 comments:

  1. naisip mo ba kung bakit nagiging weird ang isang bagay?

    ReplyDelete
  2. kasi di natin inakala na posible pala sila maging weird? >_<

    ReplyDelete