bigla kong naalala ang g-blogs.
noon, kahit wala kang load, pwede ka dumaldal. ibuhos ang emosyon sa pagsulat na walang aawat. basta may cellphone kang nakakapag GPRS, kaya mong sagarin ang oras ng gabi hanggang ikaw mismo ang magsawa sa pagbabasa ng litanya ng iba.
ngayon, kasabay ng mga nagbagong presyo ng bawat produkto, kumaunti na rin ang mga bagay na nakakapagpalumbag-loob nang libre. ultimo walang-lamang kaha ng sigarilyo, binibili na. dito na lang sa opisina ako nakakapg kape nang libre at nakakapagblog. syempre di ko na kailangang sabihing patago pa rin ang ilang bagay-bagay. parang ilan sa hinaing ng karamihan sa atin.
gusto natin ng pagbabago pero takot tayo rito mismo. ayaw natin ng kasalukuyang sitwasyon pero nananatili tayong nakatali sa kadenang bulak. totoong nakakabagabag lumabas at sumali sa ilang mukhang walang pakialam sa bukas, pero sa katotohanan, mas mulat sila sa bulok na kasalukuyan. parang sugal lang ang lahat, no pain, no gain. parang pag-ibig. putang inang pag-ibig.
tama. sa g-blogs ko pala yun unang nakita. pag-ibig at pag-asa. pagluha at kawalan ng paniniwala.
Thursday, December 17, 2009
Tuesday, December 8, 2009
kalat
ang weird talaga.
kapag naglalakad ako sa kalye habang papasok sa eskuwela, trabaho, o pauwi ng probinsya, nag-uunahan ang mga ideya sa utak ko... laging sinasabi, isulat mo ako. pero sa tuwing kaharap ko na ang laptop ko, bigla na lang nagiging blangko. nawawala sa hinuha, lumilipad sa kawalan. halos kapareho rin kung paano ako nabubura sa alaala ng iba kong mga nakilala at kung minsan, sa akin, ganun din sila.
gusto kong isulat na masakit ngayon ang ilong ko dahil sa panit dala ng pagsinga at pagpunas ng sipon pero alam ko, wala namang kwentang ikuwento pa yun.
sa araw-araw, palagi kong naiisip, tuwing tanghali, bakit kaya ako mag-isa? o pakiramdam ko lang ba yun? masyado lang ba ako nag-iisip -- na sa katotohanan ay wala namang pinatutunguhan?

Subscribe to:
Comments (Atom)